Fern Araojo NUNG UMALIS ako ng bansa, mas nakita ko kung gaano ba kalaki ang mundo. At nung makita ko yun, mas tumaas din ang pangarap ko. Sa hindi inaasahang panahon, mababago pala ang pananaw mo kapag mas nakita mo ang lawak at laki ng isang bagay. I was boxed into an idea that a person like me could never have a chance to dream big. Because opportunities are only for those people who are blessed in life. Who already build something in life. “These people are crazy.” Napaangat ako ng tingin sa kapatid ko nung lumapit sa akin at nakangisi, dala ang cellphone niya tsaka umupo sa tabi ko. Nawala panandalian ang pokus ko sa laptop para sa paghahabol sa natitirang buwan ng school year. “They think that we are engaged! Mga baliw! Kumalat na sa Pinas na binabahay daw kita.” Humagalpak ng taw

