Fern Araojo MINSAN AY GUSTO nating tumakbo, lumayo at tumakas kapag masyadong masakit, mabigat at nakakalito na ang mga nangyayari. Pero sa sitwasyon ko, hindi ko alam kung saan ako pweding pumunta. Kung paano ako makakatakas. Kumulong sa silid an hindi ko naman pag-aari? O harapin na lang ang katotohanan? Dahil wala na rin naman akong takas pa. “Gusto mo akong mawala? Gusto mo akong patayin kaya binigay mo ako kay Lilac? Inutusan na patayin ako?” At sa lahat ng katotohanan na minsan ay gusto nating malaman, iyung katotohanan pa na malayo sa ating inaasahan. Nung maiwan ako sa lamesa kasama sina Ate Marie at Luchielle ay mas gumuho pa ang mundo ko nung malaman ang ibang detalye tungkol sa aking katauhan. “I was devastated, Fern. I got pregnant by someone I do not love. I was reckless,

