Fern Araojo NARINIG KO ANG yapag mula sa engrandeng hagdan. Isang hindi pamilyar na binatang lalaki ang bumaba at sinalubong ang kanyang ina na si Luchielle. Napasulyap ito sa akin at binawi lang ang tingin nung makalapit sa ina at banayad itong halikan sa nuo. “How was the party, ma?” kaswal niyang tanong at sinulyapan akong muli. Ang lalaki ay matangkad at hindi nalalayo ang edad sa akin. Maputi at pantay ang kulay, mukhang may halong banyaga pero dahil pinay ang ganda ni Luchielle ay nangibabaw ang pagkapinoy pa rin nito. “Fine. Just had some commotion.” Bumaling sa akin si Luchielle at pinagtaasan ako ng kilay. Sa huli ay napabuntong hininga siya ng malalim at pagod na umupo sa couch. “Maupo ka,” utos niya sa akin. Sumunod ako sa sinabi niya at palihim na sinuri ang malaking mansyo

