Fern Araojo ANG AKALA KO ay makaka-discount kami tulad ng sinasabi niya, pero sa gulat ko ay may inabot lang siyang card at bayad na ang lahat. Sinamaan ko siya ng tingin at umalis na sa counter lalo pa at pinagtitinginan na kami roon, dahil sa kanya. Inisahan niya lang ako para siya na ang magbayad. “You want that?” lagi niyang tinatanong kada may titignan ako. Kaya imbes na na makapagtingin-tingin pa ay hindi ko na ginawa. Naglalakad na kami ngayon sa mall, may mga empleyado ang naglabas ng pinamili namin at binabantayan sa baba malapit sa parking area. Pwedi pala yun, pero tingin ko ay hindi ekslusibo sa lahat. Lalo pa nung may nakita akong pinakita niyang gold na card. “Gusto mo? You can try it. I will call a staff—” “Hindi, tinitignan ko lang. Hindi lahat ng tinitignan ko gusto k

