Fern Araojo GUMALAW ANG labi ni Garreth at pinigilan ang pagngisi matapos akong ipakilala sa mga kaibigan niya. Hindi lang ito basta kaibigan kundi pamilya na rin kung ituring niya. Alam ko na bata pa lamang ang mga ito ay parang magkakapatid na relasyon. “Just call me, Mei.” Kinamayan niya ako at kaswal na ngumiti. Tatlong babae ang nandito, Prima, Meira, at ang isa sa pinakabatang si Janella. Hindi naman nalalay ang edad nila sa isa’t-isa, pero ang pinakabata sa lahat ay yung Janella. Ang anak ni Terrence Vergano, napangasawa ang isang kilalang modelo rin noon. Si Janella ay may malambot at maamong mukha. Ang balat niya ay makinis at maputi, na habang ang kilay niya ay maayos ang hugis, hindi makapal pero malinaw na binibigyang-diin ang kanyang mga mata. May banayad na ngiti ang kany

