Fern Araojo TINANGGAL NI Luchielle ang kanyang itim na sunglasses para tignan ang larawan na nilapag ko sa ibabaw ng lamesa. Sabado ngayon kaya wala akong trabaho, ito ang ginawa ko, ang makipagkita sa kanya sa isang café. Nababagalan ako sa ginagawang hakbang ni Sir Nicholas, sinasabi niya na magtiwala lang ako sa kanya. Pero kapakanan lang nila ang iniisip niya. Nawawalan na ako ng tiwala pa. Napaawang ang labi niya at dahan-dahan na kinuha iyun, mas nilapit niya sa kanya para matitigan ng maayos. “Wala akong masyadong alam sa kanya. Pero… isa siya sa mga taong kinakalakihan ko, isa siyang madre na lagi kong nakikita sa bahay ampunan. Nagkakausap kami minsan, pero normal na pag-uusap lamang nung bata pa ako. Pangungumusta na tila isa ako sa mga batang ulila roon at hindi niya anak.” N

