Fern Araojo DUMIRETSO AKO sa hindi pamilyar na bar dahil iyun ang message sa akin ni Garreth nung gabi na para sa trabaho ko sa kanya. Nakasuot ako ng simpleng shirt at pantalon, pumasok ako sa maingay na bar. Mas mukhang mamahalin sa tinatrabahuhan ko. “Ticket, Miss?” Pinakita ko lang ang ticket na sinend sa akin ni Garreth, akala mo ay papasukin ako sa loob pero sa ibang daan ako pinapasok. Nang suyurin ko ang bar, tama nga akong mamahalin ito. Dumiretso kami sa second floor, mas konti ang tao roon at mas mahigpit ang security nila. Talagang sinamahan ako ng security hanggang sa makita ko na ang lamesa na pupuntahan namin. Napalunok ako at biglang kinabahan nung makita na marami sila sa lamesa at nag-iinuman. Parang gusto ko ng umatras lalo pa at nakita kong naroon ang batang Ramirez

