CHAPTER 28

2215 Words

    "Odessa!" ang malakas na boses ni Agathon sa kanya na kasalukuyang nagmemeditate habang nakalutang sa ibabaw ng malinis na tubig ng isang bukal.     Dahan-dahang dumilat si Odessa. Huminga siya ng malalim at saka tumayo sa ibabaw ng tubig. Yumuko ito at nagbigay-pugay sa diyos ng mga puno na naghihintay sa kanya sa pampang ng bukal.     "Mahal na Agathon ng puno ng Quebaluan, ano po ang inyong sadya?" ang tanong ni Odessa habang nakalutang pa rin ito sa ibabaw ng tubig.     Lumapit si Quebaluan kay Odessa at mariing tumitig ito sa dalaga. "Naghihintay na sa iyo si Danum at si Sakaya. Oras na para kayo'y humayo na." ang sagot ni Agathon sa kanya.     Nagsimulang maglakad si Odessa sa ibabaw ng tubig papunta sa pampang habang nababalutan ng liwanag ang kanyang aura. Mayayabong ang mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD