Patuloy sa paggalugad si diyosang Tala sa masukal na kagubatan ng Ivaya. Makakapal ang mga naglalakihang mga puno na bumabaybay sa mga gilid ng mala-kristal sa linaw na tubig ng ilog Sugba. Tila nagyayaya sa kanya ang napakalinaw na tubig para uminom at magtampisaw. Ngunit, hindi siya nakakasiguro kung ligtas siya sa panganib sa kagandahan nito dahil na rin sa mga engkantong tubig na maaaring nananahan sa ilog. Muntik na rin siyang mapatay ng kanyang kapatid na si diyosang Bulan. Kung hindi dahil sa tulong ng tungkod ng kanyang amang si Bathala, nagawa niyang makatakas sa kamay ng kanyang malupit na kapatid. Hindi niya inakala na kayang patayin ni diyosang si Bulan ang kanilang sariling ama ng dahil lamang sa galit nito sa kanya. Nais rin ni diyosang Bulan na palitan sa pamumuno s

