CHAPTER 52

3434 Words

Halos mag-ikaapat na ng hapon nang marating nina Odessa kasama ang lampas sa dalawang-daang mga tao ang bahagi ng Sta. Mesa sa Maynila. Lahat ay hapong-hapo na sa haba ng kanilang nalalakad pero tinitiis nila ang lahat ng hirap makarating lamang sila sa lugar na sa tingin nila ay mas ligtas sa paglusob ng mga anak ng buwan. Gaya ng mga lugar na kanilang narating at nadaanan, kalunos-lunos ang tanawin na kung saan nagkalat pa rin sa kalsada ang mga parte ng nabubulok na katawan ng tao at mga hayop. Mga nagtalsikang dugo sa kalsada, mga sasakyan at pader na natuyo na at naging saksi sa kahindik-hindik na pangyayari ng biglang lumusob ang mga alagad ng kadiliman sa kalakhang Maynila. Mga nagkalat na mga sasakyan na inabandona ng mga may-ari nito na dati-rati ay naghahari sa kalsada ng lungso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD