Mabibigat ang bawat mga hakbang ni diyosang Tala sa napakakinis na sahig ng bulwagan ng mga diyos sa templo ni Bathala na kung saan naroroon ang trono ng kanyang ama. Damang-dama niya ang bigat ng kanyang kalooban at ang pagsisisi sa mga nagawang pagkakamali. Kung maibabalik lang sana niya ang mga nangyari ay hindi sana siya nakinig pa sa kapatid niyang si diyosang Bulan. Walang nakakaalam na nasa loob siya ng bulwagan. Walang sino man ang puwedeng pumasok sa lugar na iyon ng walang pahintulot ni Bathala. Mula ng mangyari ang kanilang plano ay sinimulan na ng kanyang kapatid na si diyosang Bulan na palitan ang kanilang ama na pamunuan ang Kalangitan. Ngunit tumutol ang konseho ng mga diyos sa naging hakbang ni diyosang Bulan kaya hindi nangyari ang gusto nitong palitan na ang kanilang am

