Chapter 30 Lally's PoV Nagmulat ako ng mga mata at ramdam ko pa rin ang kirot ng mga sugat sa katawan ko. Inilibot ko ang paningin ko. Napaluha na lang ako at nanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat ng 'to. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero nandito pa rin kami sa loob ng sasakyan. Wala pa ring rescue ang dumarating. "Calix..." Wala ring malay si Calix kaya nabahala ako. Pinilit kong mabuksan ang pinto ng kotse na medyo nayupi na. Kinakailangan na namin ng tulong. Pero napahinto ako bago tuluyang lumabas. Muli kong nilingon si Bryx. "Bryx..." Nilapitan ko siya at banayad na hinalikan sa noo. "I'll be back. I promise." Lumabas na ako ng kotse dahil na rin sa hindi ko kayang matignan nang ayos ang wala nang buhay na katawan ni Bryx. Muli kong pinilit ang

