Chapter 31 SJ's PoV Mag isa akong nasa hotel room ko. Magmula kasi nang maisauli na ni kuya si Calix sa mga magulang niya kahapon, naging malungkot na naman sa bahay. Maging si mommy ay nakaramdam ng matinding kalungkutan. Iba kasi talaga ang epekto sa amin ng pag alis ni Calix kahit saglit lang namin siya nakasama. Pasado alas otso na ng gabi pero kagigising ko pa lang dahil inumaga na ako sa pag-aasikaso sa bar. Nagpunta ako sa kusina para sana uminom dahil nakaramdam ako ng sobrang kaba. Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong kabang 'to. "s**t!" Bigla ko na lang nabitawan ang basong hawak ko. Dadamputin ko na sana ang mga bubog na nagkalat sa kusina nang may nagdoorbell. Iniwanan ko muna saglit ang kalat at naglakad papunta sa pintuan. Nang buksan ko, si Zach. "You look parano

