Chapter 32 Lally's PoV Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko ay ang puting kisami na ang bumungad sa akin. Parang nangyari na sa akin ito kamakailan lang. Wala akong ibang magawa kundi ang tumulala. "Lally..." Naramdaman ko ang paghagod ni ate sa buhok ko at ang paghalik niya sa kamay ko. Naramdaman ko ang pagbabasa ng kamay ko at alam kong dahil iyon sa mga luha niya. Marami akong gustong itanong. Marami akong gustong malaman at kumpirmahin. Wala na ba talaga si Bryx? At si Calix? Wala na ba talaga ang anak ko? Kinuha na ba talaga siya sa amin? Dalawang importante sa buhay ko ang kinuha sa akin sa loob lamang ng isang araw. Hindi ko na alam kung makakayanan ko ba ang lahat ng 'to. Hindi ko alam kung nanaisin ko pa bang magpatuloy pa sa napakamasalimuot na buhay kong 'to. Sinong tao ang

