Chapter 33 Lally's PoV Muli akong napaupo sa wheelchair ko nang makaramdam ako ng panghihina ngunit nanatili akong nakahawak sa salamin na tumatakip sa anak ko. Dapat ko na nga ba siyang sundan? Gusto ko, gustong gusto ko. Ngunit may kung anong pumipigil sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pag-iyak dahil ito na lang ang kaya kong gawin sa ngayon. "SJ..." Narinig kong gulat na sabi ni ate at naramdaman ko ang presensya ni SJ sa may likuran ko. "I want to talk to her." Sabi ni SJ. Desidido siya at alam kong hindi siya papayag na hindi ako makausap. Inaasahan ko na 'to dahil alam kong marami siyang tanong na ako lang ang makakasagot. "Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ni Lally?" Pagtutol ni ate. "Kung ang ikinakatakot mo ay ang baka saktan ko siya, no. Hindi ako gagawa ng eksena sa harapan

