Chapter 48 SJ's PoV Ilang araw at linggo ang lumipas. Hindi na rin ako nakabalik ngayong semester. Gusto ko munang magfocus sa pag-aalaga kay Lally. Makakapaghintay ang pag-aaral. Pero hindi ang mga oras at pagkakataon na makakasama ko si Lally. Sa mga nakalipas na araw ay kapansin-pansin ang pagbagsak ng katawan ni Lally. Mas dumalas ang pagkawala ng kanyang paningin at madalas na rin siyang walang kontrol sa sarili niyang katawan. Palagi na rin siyang naka-wheelchair. It's 2nd of February. And I'm already planning a surprise for her. First wedding monthsary na kasi namin sa February 4. Ayokong may makaligtaan akong okasyon. I want to surprise her sa mga okasyong pagsasamahan namin. Agad akong bumangon nang makita ang pamumutla ni Lally habang katabi ko siyang natutulog. "Lally..."

