Chapter 47 SJ's PoV Nasa kalagitnaan na kami ng seremonya ay hindi pa rin nagsisink in sa akin kung totoo ba ang lahat ng 'to o panaginip lang. Habang nakaluhod kami ay hawak-hawak ko ang kamay ni Lally kaya naman naramdaman ko ang biglang paghigpit ng kapit niya sa akin. Nilingon ko siya at hawak niya ang kaliwa niyang dibdib. Bumibigat din ang bawat paghinga niya. "Lally..." Tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at ngumiti siya. "I'm fine... SJ." Pilit niyang sabi. "No, you're not. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang ipagpaliban na muna natin ang kasal?" Kahit gaano ko man kagusto na makasal ngayon sa kanya, ayokong itaya ang buhay niya. "Father, continue." Sabi ni Lally sa pari nang huminto ito sa pagsasalita. Hindi na rin pinansin ni Lally ang suhestiyon kong ipagpaliban n

