Chapter 46 SJ's PoV Kinabukasan ay wala na akong sinayang pa na oras. Inaya ko si Lally na umuwi muna kami sa kanila dahil nauna na roon sina manang at Jerson. Wala rin akong sinabi kay Lally na ngayon ko siya pormal na yayayain magpakasal. "Bakit ba kailangan nating pumunta sa bahay? At saka nasa bahay na ba sila mommy? Nakauwi na ba sila from their business trip?" Sunod-sunod na tanong niya pero wala akong sinagot ni isa. "SJ, did you hear me? Bakit ayaw mong sumagot?" Tila nauubusan na siya ng pasensya kaya naman ibinuka ko na ang bibig ko. "Yes, Lally. Nasa bahay na sila. Will you calm down? Baka ma-stress ka sa kakaisip mo, e." Natatawa kong sabi habang naka-focus pa rin sa pagdadrive. "Para kasing may nililihim ka sa akin, SJ." Puno ng pagdududa na sabi niya kaya napailing na l

