Chapter 45 SJ's PoV Palakad-lakad ako sa tapat ng kama ni Lally habang inip na naghihintay sa pagdating ng doctor. Nandito kaming lahat sa kwarto at balot ng pag-aalala dahil wala pa ring malay si Lally. "Nandito na yung doctor." Sabi ni manang at kasunod niyang pumasok ang doctor. "May sakit ba ang pasyente?" Tanong niya habang hinahanda ang medical kit niya. "She has ataxia." Sabi ko at saglit na napatigil ang doctor. Nagpatuloy rin naman siya sa ginagawa niya at sinimulan nang suriin si Lally. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay hinarap na niya kami. "May I speak to her doctor?" Sabi niya at agad kong ni-dial ang numero ni doctor Serrano at iniabot sa kanya. Lumayo siya saglit at doon nakipag-usap. Nagkatinginan kaming lahat at kapwa nakikiramdam sa mga maaari nilang pag-us

