Chapter 42 Lally's PoV "She's awake," boses agad ni SJ ang narinig ko pagmulat na pagmulat ko ng mga mata ko. "Lally..." Tawag sa akin ni SJ at nakita ko siya sa gilid ng kama na may luha sa pisngi. "Gising na nga siya!" Sabi ni mommy kaya isa-isa ko silang tinignan. Nandito ang pamilya ko, si SJ at Steph. Naglakad palabas si Ate. "Can I have water, please." Hindi nag-atubili si SJ at pinagsalin ako ng tubig sa baso. Mabilis ko itong naubos dahil sa sobrang pagkauhaw. Pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi nakainom ng maayos. Ang huling naaalala ko ay manganganak na ako. Napahawak ako sa tiyan ko at napatingin sa kanya. "Anong nangyari, SJ?" Tanong ko. "Nag-agaw buhay ka sa panganganak, Lally. Limang araw kang walang malay," sabi nya. Tinanggal ko ang oxygen ko at pinilit na maupo.

