Chapter 43 Lally's PoV "Home sweet home." Bungad sa akin ng mga tao dito sa bahay. May tarpaulin pa sila at may mga balloons at cake pa silang lahat. Ang isipin pa lang na dito ako sa bahay magn-new year's eve ay napakalaking bagay na. Kaya pala si SJ lang ang sumundo sa akin sa ospital ay dahil nag-aabang na ang iba sa bahay. Kumpleto ang pamilya ko, sina Steph, Cassie at Zach. Maging ang mga kasambahay namin ay kasama sa pagsalubong sa akin. "Welcome back home, Lally." Sabi ni SJ na nasa tabi ko lang at siyang may karga sa bata. He gave me a peck on my lips. Nagagawa ko na ring makalakad kahit nangangailangan ng suporta. Naglakad kami ni SJ palapit sa kanila at sinalubong nila ako ng yakap at halik. Pingkaguluhan din nila si baby Jerson na kasalukuyan nang kalong ni Steph. Inakbaya

