Chapter 39 Lally's PoV Niyakap ko nang mas mahigpit si SJ. Kahit halata sa kanya ang hirap sa pwesto namin dahil sa umbok ng tiyan ko ay nagawa niya pa ring tugunan ng mahigpit na yakap ang mga yakap ko. "Wala ka man lang pasabing pupunta ka!" Hinampas ko siya sa braso nang makabitiw kami sa yakap. Natatawa niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Baka kasi hindi ka pumayag at pagbawalan ako. Pero Lally, hindi ko na matiis, e. Kung hindi ka pa naman handa, babalik ako ng Pilipinas bukas. Kailangan lang talaga kitang makita ngayon." Sabi niya at umiling ako. Napakunot ang noo niya sa pagkalito. "No, SJ." Sabi ko at tuluyang nawala ang ngiti niya. "No? Hindi ka pa handa?" Bagsak ang balikat na tanong niya. "No, SJ. Hindi mo kailangang magmadali sa pag-uwi sa Pilipinas. I want you

