Chapter 40 SJ's PoV It's already 20th of December at dalawang araw na rin akong tumutuloy dito kila Lally. Nahihiya na ako pero ayaw nilang pumayag na sa isang hotel ako mamalagi. At si Lally ang nangunguna sa pagtutol sa pag-alis ko. Kami lang ni Lally ang naiiwan dito tuwing umaga kasama ang isang katulong at si Zild dahil may kanya-kanyang trabaho ang mga magulang at kapatid niya. Nakaupo na ako sa tapat ng mesa habang pinapanood si Lally sa pagtitimpla ng kape. "Bakit ka nakangiti?" Napatigil siya sa paghahalo ng kape dahil nabaling ang atensyon niya sa akin. "Did you even see this coming?" Tanong ko na hindi niya naintindihan. "Ang alin?" "You? Preparing coffee for me at this early morning. Wife duties," parang nabigla siya sa ginamit kong term. What? Anong masama sa wife duti

