Chapter 25: Overthink “KINAKABAHAN ka ba?” tanong ko kay King. Kanina pa kasi siya na hindi umiimik at panay ang pagbuntonghininga niya. “You okay?” muling tanong ko pero masyadong malalim talaga ang iniisip niya kaya hindi na ako pinapansin pa. Kahit ano’ng daldal pa ang ginawa ko. Pagkatapos namin kasing mag-usap kanina nina Mommy ay gusto nitong bumisita si King sa mansion namin para maipakilala naman siya kay Dad. Halatang kinakabahan na nga siya kanina pa. Ang lamig din ng kamay niya at wala ng kulay ang mga labi niya. Napangisi ako nang may idea ang pumasok sa utak ko. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang red lipstick ko. Tinanggal ko rin ang seatbelt ko at humarap kay King. Doon lang siya bumalik sa sarili niya nang maramdaman ang paghawak ko sa panga niya. “What are you doing,

