bc

Love in the Midst of Heartbreak (COMPLETED)

book_age16+
446
FOLLOW
1.9K
READ
dark
second chance
independent
brave
self-improved
inspirational
twisted
lighthearted
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Gennica Dennise del Acosta, she was always a rebound of the man she loved. She wished for a sign how to forget her feelings and to move on. But God gave her a three signs in just a blink of her eyes.

King Dwight Altaraza, he fell in love with the girl who have a sons already but he's willing to be a father of her kids.

But he choose the complete and happy ending for the children he treated them like his own sons with their parents.

In the middle of heartbreaks, Gennica and King will crossed their paths.

Is there a second chance for them to develop their feelings when they choose to unwind somewhere, and out of town, together?

Do love found them when the both of them are not completely heals?

Or ended up to parted their ways, when the short time were done?

Date started:

Date finished:

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE TAHIMIK na pinapanood ko lang ang araw na unti-unti nang lumulubog Sobrang ganda ang tanawin na ito pero hindi ko man lang magawang i-appreciate dahil sa paninikip pa rin ng dibdib ko at may gumuguhit sa aking puso. Kakaibang kirot na nilikha mismo ng lalaki mahal na mahal ko pero hindi kayang suklian ang pag-ibig ko dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay nanatiling nakareserba pa rin ito sa iisang tao ang pagmamahal niya. Sa totoong mahal niya... Napabuntonghininga na lamang ako at hinagod ko ng mga daliri ko ang maikli kong buhok na hanggang leeg ko lang ang haba. Nandito ako ngayon sa Bora. Tahimik at nakaupo lang sa tabing dagat. Dinig na rinig ko ang malakas na alon na humahampas sa buhangin. Inaabot no'n ang mga paa ko kaya ramdam na ramdam ko rin ang malamig at nakakikiliting dagat. Nasa right side ko naman ang binili kong tatlong beer na kahit naubos ko na ay hindi man lang ako nalasing o kahit ang makalimutan ko lang naman ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito, pero wala. Nanatiling gising ang aking diwa. I need a sign... Just a one sign that I want to move on... I hate this feeling anymore... Napangiti na lamang ako ng mapait at sa kalagitnaan nang pananahimik ko ay siya namang pagtunog ng ringtone alert ng cellphone ko. Wala sa sariling inabot ko iyon at may natanggap akong text message from unregistered number. Kumunot ang aking noo pero kahit ganoon ay binasa ko pa rin ang mensahe. From: +63 9267613581 Is this number of Ms. Neerfa Urzello? Ibinaba ko na lang ulit sa buhangin ang phone ko dahil wrong send at wrong number din ang may-ari ng numero na ito. Hindi ko na lang pinansin iyon pero muling tumunog ang phone ko. I lay down on the sand and heaved a sigh. I glanced at my phone. I don't know why I have this urge to check my phone again and read the message. Muli akong bumuntonghininga at inabot ko ulit ito. From: +63 9267613581 Ms. Neerfa Urzello? This is Mr. King A. Please, save my number. I licked my lower lip and I found myself hitting the keyboard to reply his message. From: +63 9267613581 Wrong send. Iyon lang ang reply ko sa kanya at ang akala ko ay hindi na siya sasagot pa...o hindi naman talaga pero tumawag naman siya. Ilang segundo pa ako natigilan at titig na titig lang ako sa tumatawag. +63 9267613581 is calling... Dahil sa biglaang kaba na nararamdaman ko ay aksidente kong napindot ang decline kaya malutong na napamura ako. "Tangina!" +63 9267613581 is calling... "Shet..." I don't have any choice but to accept the call para malaman na niya na nagkamali lang siya numero. "Hello," sagot ko. "Ms. Neerfa? Are you playing with me? I know I was rude at you when--" before he could finish his words, I cut him off. "I'm Nica, not Neerfa," seryosong sabat ko at tumahimik na nga ang kabilang linya. Akala ko nga ay pinatay na niya ang tawag. Inaamin ko na noong pinapakinggan ko ang boses at sinsabi ng lalaking nasa kabilang linya ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako na ano pero pinilig ko na lang ang ulo ko. "I'm sorry?" "Wrong number, Sir. You need to check the number you dialed," I said and hang up the phone. A few minutes later I received another message from the same number. From: +63 9267613581 I'm sorry, nagkamali lang ako sa last digit. It was number 2 not 1. I shrugged my shoulder at hindi na lang ako nag-reply pa. Kinuha ko ang isang litrato sa tabi ko at napangiti ako nang makita ko na naman ang mukha niya. He's so handsome and I love him, so much... Hawak-hawak ko ang picture namin ni Jade nang biglang humangin at sa gulat ko ay tinangay pa ito ng hangin. Mas nataranta ako nang makita ko na maging ang alon ay tinangay rin ang picture ko na kasama ko si Jade! "Darn it!" I cursed at hindi ako nagdalawang isip na tumayo para makuha ang picture. Hindi baleng mabasa ako, makuha ko lang iyon! Masyadong mahalaga sa akin ang litrato namin dahil kuha iyon noong naging kami na ni Jade! Kahit na alam kong mahal pa rin niya...ang kapatid ko... "No way..." Tanga nga ako masyado dahil lang sa isang litrato ay desperada pa akong makuha ulit ito. Dahil sa takot ko ay hindi ko namalayan na may luha na pala ang naglandas sa aking pisngi. "No..." "Fvck!" Nabigla ako nang may nagmura sa likuran ko at kasabay no'n ang pagyakap ng mga braso nito sa baywang ko. At sa hindi ko inaasahan na pagkakataon ay bumilis ang t***k ng aking puso. Lalo na ng maramdaman ko ang matigas at malapad niyang dibdib sa aking likuran. Pilit niya rin akong inaahon mula sa dagat, na hindi ko namalayan na umabot na pala iyon hanggang baywang ko. Nang nasa buhangin na kami ay agad niya rin akong binitawan at hinarap ko naman siya. "Sa tingin mo ba solusyon sa problema mo ang magpakamatay?!" malamig na tanong niya sa akin at nasa boses niya ang tila nagagalit sa aking ginawa. "Hindi mo ba alam na maraming tao ang gusto pang mabuhay na hindi sinuwerte na magtatagal pa sa mundong ito?!" sigaw pa niya sa akin. Kunot na kunot ang aking noo. Bakit naman ako magpapakamatay? Ano'ng pinagsasabi niya? Madilim na pala ang kalangitan at lumalakas na rin ang hangin pero sa tulong naman ng naglilinawag na buwan ay naanigan ko ang lalaking inakala na tatapusin ko na ang buhay ko kahit wala sa isip ko iyon. Gusto ko lang naman makuha ang picture ko, eh... Gulat na gulat pa rin ako sa lalaking ito nang lumuhod siya para lamang...may kinuha lang pala siya sa buhangin at ang phone niya iyon. Pinindot-pindot niya ang kanyang cellphone at ilang segundo ang nakalipas ay pareho naming narinig ang pamilyar na ringtone sa hindi kalayuan sa aming puwesto. Wala sa sariling napatingin naman ako sa kinauupuan ko kanina at ang phone ko ang tumutunog at this moment. Sino naman kaya ang tumatawag? Pero bumalik ang tingin ko sa lalaki nang mapansin ko na sa akin na naman siya nakatitig. Paulit-ulit na nag-ring ang phone ko. "Ikaw si Nica..." Hindi ko alam kung bakit alam niya ang nickname ko pero nang ma-realize ko na ay umawang lang ang labi ko sa gulat. Humiling ako ng sign... Isang senyales lang na kung paano ko makakalimutan ang nararamdaman ko para kay Jade at hindi ko akalain na mabilis na ibinigay sa akin iyon. Ang una ay ang na-wrong send...siya si Mr. King A. Na nagkamali sa huling numerong tinatawagan at sa number ng phone ko siya napunta. Ang pangalawa ay ang picture namin ni Jade, senyales na iyon na hindi lang tinangay ng hangin at maging ang alon din. Meaning no'n ay kailangan ko na nga talagang kalimutan si Jade at magsisimula iyon sa mga bagay na makapagpapaalala niya sa akin. Ang pangatlo...ay ang lalaking nasa harapan ko sa mga oras na ito kung bakit...ganito kabilis ang t***k ng puso ko na tanging kay Jade ko lang nararamdaman. Three signs...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook