CHAPTER 1

1541 Words
Chapter 1: Gennica's heartbreaks GENNICA DENNISE DEL ACOSTA's POV "I'M SORRY... I'm so sorry, Genni..." Napahikbi ako sa salitang namutawi mula sa kanyang bibig. Isa lang ang ibig sabihin no'n... Talo na naman ako... Talo na naman ako sa pag-ibig na ako lang ang nagmamahal... Na ako lang ang nagpahalaga sa relasyong ito. Na ako lang ang naging masaya. Masakit pa rin talaga malaman ang katotohanan na kahit sinubukan niya. Na kahit sinubukan niya akong mahalin ay hindi man lang naging sapat upang kalimutan na niya ang kapatid ko. Na ang mas pinili ng kapatid ko ay ang pangarap niya... Na ako...mas pinili ko ang manatili sa tabi niya para damayan siya at para...hindi siya maiwan dito ng nag-iisa habang malungkot at nasasaktan siya sa pag-iwan ng kapatid ko sa kanya. Pero wala pa rin... Hindi nga kayang turuan ang pag-ibig dahil mas mangingibabaw pa ang pagmamahal mo sa isang tao. Kahit na pinipilit mo rin ang makalimutan siya and still, nasa puso mo pa siya. Kahit na may isang tao na ang handa kang damayan, ang handa kang saluhin sa pagkakadapa mo sa putikan o tutulungan upang bumangon. Handa kang samahan sa madilim mong mundo pero wala... Wala ring nangyari... Nabigo pa rin ako. Wala na talagang space sa puso ni Jade... Lahat ng iyon ay pag-aari na ng babaeng mahal niya. Naging rebound ako. Naging pampalipas oras ako ng lalaking mahal ko. Dahil ganoon ko siya kamahal. Handa akong masaktan, makasama ko lang siya at kahit papaano ay ipararamdam ko sa kanya kung paano naman siyang mahalin ng isang katulad ko. Sa una, todo tanggi siya sa suggestion ko na gawin niya akong rebound. Ayaw niyang masaktan ako dahil mahal niya...mahal niya ako bilang kapatid lang. Pero sa huli ay tinanggap pa rin niya ako. Naging kami nga...sa mga panahon na wala ang aking kapatid. Pero ni hindi ko man lang napalitan sa puso niya si Dianne. Mahal pa rin niya ito sa kabila ng pang-iiwan nito sa kanya. Mahal pa rin niya ang kapatid ko at ngayon... Magkakabalikan na sila at ako naman... Kailangan na ring dumistansya at sumuko sa labanang ito... na palaging ako ang talo... "I'm so sorry, Genni... Mahal ko talaga siya... M-Mahal na mahal ko talaga ang kapatid mo..." umiiyak na sabi niya at napahagulgol na lamang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Jade...kahit minsan ba... Kahit minsan b-ba ay m-minahal mo ako? O nagawa mo bang s-subukan ang ibaling ang n-nararamdaman mo sa kapatid ko? Sa a-akin? Jade...ang unfair naman... Ang tagal na no'n...pero bakit si D-Dianne pa rin? B-Bakit s-siya pa rin? Ano ba ang mayroon sa kanya...na wala sa akin? Jade..." humihikbing sabi ko habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko sa aking pisngi. Ang bigat...ang bigat sa dibdib. Parang pati ang mundo ay pasan nito. Na hindi lang ang milyon-milyong kutsilyo ang sumasaksak sa puso ko. Bakit ang unfair nila sa akin? Nagmahal lang ako pero bakit ganito? "Mahal kita, G-Genni... Mahal kita...bilang k-kapatid... S-Sinubukan ko... S-Sinubukan kong mahalin ka...pero ang kapatid mo talaga ang mahal ko... S-Siya lang talaga, Genni... Siya lang..." paliwanag niya sa akin at nakikita ko sa mga mata niya... Ang pagkislap no'n, ang pagmamahal para sa kapatid ko. Ang paraan nang pagtitig niya kay Dianne na never kong nakita na ganoon din sana ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Kailanman ay hindi ko nagawang makuha iyon... Marahan na hinila niya ang siko ko para yakapin ako. Mas lalo lang ako nasasaktan dahil pakiramdam ko ay ito na ang huling yakap na ibibigay niya sa akin. Kasi bukas...alam kong wala na talaga at tapos na sa amin ang lahat. Na bukas ay hindi na niya ako girlfriend. Na bukas ay hindi na ako ang kayakap niya at kapiling. Naging...tahanan lang ako pansamantala ni Jade dahil dumating na ang totoong pahinga niya... Nakapikit ang mga mata ko dahil hindi ko na rin makita nang maayos ang paligid ko dahil sa mga luha ko na nagmistulang ulan sa sunud-sunod na pagpatak nito. Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at doon ako umiyak nang umiyak. Nasa likod ng ulo ko ang isang kamay niya habang nasa baywang ko naman ang isa. Napahawak ako sa dibdib niya at dahil sobra-sobra ang sakit sa puso ko ay kumuyom ito at nagugusot ang kanyang damit. "Ang hirap...niyang kalimutan, Genni... Ang hirap...kaya hindi ko nagawang mahalin ka...katulad ng pagmamahal ko sa kapatid mo..." Mas masakit din malaman...na kahit ano'ng subok ang ginawa niya ay pangalan pa rin ni Dianne ang nakaguhit sa kanyang puso. Talo ako... "M-Mahal na mahal kita, Jade eh... H-Hindi ko kayang...hindi ko kayang mawala ka sa akin... Jade... Paano na ako? P-Paano na ako?" umiiyak na tanong ko sa kanya. Humigpit pa ang yakap niya sa akin. "Kaya mo, Genni... Makakaya mo... Matapang ka, 'di ba? Gennica...hindi ako...hindi ako ang karapat-dapat na mahalin ng isang tulad mo. May mas deserving, Genni... Hindi ako iyon, Genni... Sinaktan lang kita, 'di ba? Kaya alam kong...may lalaki pa ang magmamahal sa 'yo ng walang kahati... Alam kong aalagaan at iingatan ka niya. Alam kong mas mamahalin ka niya... Sobra-sobra pa ang pagmamahal mo na ibinigay mo sa akin..." "I-Ikaw ang mahal ko, Jade... Ikaw lang... Please... Huwag mo namang g-gawin sa akin ito... Mahal kita... Mahal na mahal kita..." "Hanapin mo siya, Genni... Hanapin mo ang taong iyon... Ang mas deserving... I'm sorry..." Umalingawngaw sa loob ng condo ko ang boses ko nang dahan-dahan niya akong binitawan. Nang unti-unting lumuwag ang yakap niya sa akin. "Jade... J-Jade..." sambit ko sa pangalan niya na halos hindi na lumabas dahil sa pamamaos nito. "Jade... Please... don't leave me... Jade... Don't go..." "I'm sorry, Genni... Mahal kita... Mahal kita, alam mo iyon..." Bilang kapatid lang...Jade. Hindi mo ako magawang mahalin katulad ng kay Dianne. Mahal mo ako bilang isang kapatid lang. Sa huling pagkakataon ay nagawa niyang halikan ang aking noo at tumagal iyon ng limang segundo. Pinunasan pa niya ang mga luha ko at kinulong ng mga palad niya ang aking mukha. "Pasasalamatan mo ako kung mahahanap mo na siya, Genni... Alam kong may naghihintay para sa 'yo. May nakalaan na para sa pagmamahal mo at tandaan mong hindi ako iyon. Mahal kita... At salamat dahil kahit papaano ay naging masaya ako sa piling mo. Totoong napasaya mo ako, Genni...pero iba pa rin talaga ang hinahanap ng aking puso. Mahal kita, tandaan mo 'yan. Mahalaga ka sa akin kaya hindi kita pinagtutulakan lang, may mas deserving sa pagmamahal mo, Gennica..." Wala akong nagawa kundi ang umiyak at kahit gusto kong hawakan siya nang mahigpit, pigilan ay mas pipiliin niya ang umalis. Ang tuluyan akong iwanan... I love him, so much... Wala na...Jade. wala na akong mamahalin pa na ibang lalaki kundi ikaw lang... Ikaw lang ang lalaking iibigin ko at walang makakapalit no'n. Sana ako na lang... Sana ako na lang si Dianne. Sana ako na lang ang babaeng mahal niya... Sana kami pa rin. "Jade!" Hindi talaga siya para sa akin. Hindi kami puwede dahil may ibang babae ang nakalaan para sa kanya... *** "ATE..." Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang kapatid ko. "Ate, I'm sorry..." hinging paumanhin niya. "Bakit bumalik ka pa, Diane?! Masaya na kami ni Jade, eh! Masaya na sana siya sa piling ko pero bakit bumalik ka pa rin?!" panunumbat ko sa kanya at bigla siyang umiyak. "Ate... S-Sorry po..." "Hindi ka na sana bumalik pa, Diane! Oo ikaw pa rin ang mahal ni Jade! Pero masaya na siya noong nasa ibang bansa ka!" sigaw ko sa kanya at hindi ko napigilan ang masampal siya sa pisngi niya. Mas umalog ang magkabilang balikat niya dahil sa ginawa ko. "Iniwan mo na siya noon, 'di ba?! Sinaktan mo siya, Diane! Dahil mas pinili mo ang pangarap mo! Mas pinili mo ang bagay na iyon kaysa sa lalaking wala namang ginawa kundi ang mahalin ka! Kaya hindi ka na karapat-dapat pa para sa kanya! Sinaktan mo siya! Sinaktan mo lang naman siya!" umiiyak na sigaw ko sa kanya. "N-Nagsisisi na ako, Ate Genni... Sising-sisi po a-ako sa g-ginawa ko sa kanya noon, Ate... Pero m-mahal ko po siya... M-Mahal na mahal k-ko rin s-siya, Ate... Hindi mo r-rin alam, Ate na nasasaktan din ako sa tuwing nagkukuwento sa akin si Mommy tungkol sa inyo ni Jade... Ate, nasaktan din po ako..." umiiyak na paliwanag niya sa akin. "Pero mas sinaktan mo siya, Diane! Mas nasaktan siya! Kaya noong bumalik ka...gusto k-ka niya ulit makasama... Ang unfair no'n para sa akin, Diane... Sana... Sana hindi ka na rin bumalik pa... Sana nanatili ka na lang doon! K-Kontento na ako kasama ko si Jade kahit alam kong... I-Ikaw pa rin ang mahal niya! "Mahal na mahal ko po siya, Ate Genni... Please...ipaubaya mo lang po ulit siya sa akin... Sa akin lang si Jade..." Umiling ako at patakbong pumasok sa loob ng kuwarto ko. Doon ko inilabas ang sama ng loob ko at bumuhos pa lalo ang mga luha ko. Ang unfair niyo sa akin! Mahal ko si Jade! Mahal na mahal ko talaga siya! Pero bakit hindi siya para sa akin? Bakit...bakit si Diane pa rin? Bakit hindi ko man lang kayang palitan ang kapatid ko sa puso ng lalaking mahal ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD