“Ang lakas ng loob nilang maligo ng nakaganyan lang? Alam ko na dumadayo pa rito ang ibang bayan para lamang makapunta sa talon at hindi talaga nag-iisip ng matino si Eljehanni,” nagngingitngit pa na sabi niya. Si Nica ang naunang nakapansin sa amin. Nanginig pa ako sa kaba na baka mahuhuli na talaga kami kaya nang umahon si Eljeh ay mabilis na tiningnan ako ni Azul saka siya ang unang lumabas mula sa pagkakatago namin. Sinilip ko pa si Nica na sumusunod na pala kay Eljeh kaya lumabas na rin ako para salubungin siya. Marami na akong nakikita na mga babae na ganoon lamang ang suot pero exempted si Nica roon. Dahil kakaiba ang impact no’n sa akin. Nagawa pa namin ang magsinungaling ni Azul para lamang pagtakpan ang mga sarili namin. Kahit wala naman talaga kaming ginagawa. Simula nang ma

