Ang Pagdating

797 Words
Lahat ng tao sa mansyon ay may pananabik sa araw ng pagpadating ng nagiisang anak ni Don Raphael Lahat ay abala sa kani kanilang gawain dahil itong ang araw ng dating ng binata. Sa di kalayuan matatanaw si Cassandra na may pananabik na gumagawa ng kwintas na yari sa mga sariwang bulaklak upang ibigay sa pagdating ng binata. "Anak!" pukaw ni Martha. Napalingon ang batang paslit. "Inay!" tugon ni Cassandra. "Anu ba yang pinagkakaabalahan mu? yan ba yung mga napulot mung mga bulaklak? wika ni Martha. "Opo inay sana po magustuhan niya po. Ano kaya itsura niya? Sana mabait siya at pwede ko siya maging kalaro." natutuwang bulalas ni Cassandra. "Halika nga rito anak payakap nga si nanay" paglalambing ni Martha. "Manang Elen! paparating napo si senyorito" sigaw ni Martha. Ang lahat ay may pananabik na naghihintay sa pagbaba ng sasakyan ng anak ni Don Raphael. Sa paghinto ng sasakyan ay bumukas ang pintuan ng dulong bahagi ng sasakyan at lumabas ang isang binata. Lahat ay may mababakas na gulat sa di inaasahan dahil ang pag aakala nilang isang munting bata ang kanilang inaabangan. Hindi nalalayo sa tindig ng ama nito at mapagkakamalang nakababatang kapatid ni Don Rapahel sa taglay nitong kakisigan at mababakas nitong kagwapuhan. "Magandang umaga po senyorito Ralph"! sabay sabay na bati ng kawani ng mansyon. Di makikita ang reaksyon sa mga mata ng binata dahil nakasuot ito ng salamin na di kulay. Siya ay may suot at puting polo na tinernuhan ng jeans. Lumapit si Manang Elen sa binata. "Ralph, iho maligayang pagdating" wika niya. "Thank you Manang Elen" nakangiting bati ng binata. Sabay na pumasok ng Mansyon ang dalawa ngunit bago makalapit sa pintuan, lumapit si Cassandra at bumati sa binata. Napahinto sa paglalakad ang binata at tinignan mula ulo hangang paa ang naghihintay na paslit at waring alangan si Cassandra kung isasabit ang ginawang kwintas na bulaklak dahil sa mataas na di hamak sa kanya ang binata ngunit bago pa nia iyon magawa... "Who are you?!" tanong ni Ralph. Ngunit may kataasan ang boses na lahat ng nasa paligid ay ikinagukat. "Ako po si Cassandra anak po ni Nanay Martha" tugon niya. "I dont care!" malakas na tugon ni Ralph. Sabay tabig sa kamay ng paslit. Sa di inaasahan na reaksyon ng binata nagulat at napaiyak si Cassandra. Kaya dali daling nilapitan ni Martha ang anak at niyaya tumabi ang anak. Walang pasabi na nilagpasan ng binata ang mag-ina. "Manang, where's Dad?" tanong ni Ralph. "Nasa taas iho" tugon ni Manang Elen. Dumiretso na paakyat si Ralph patungo sa silid aklatan kung saan naroon si Don Raphael. Naabutan niya na abala sa mga dokumento ang kanyang ama na di namalayan ang kanyang pagpasok. "Dad!" pukaw atensyon ni Ralph sa ama. Doon lang nag abala magtaas ng paningin ang Don. "Ralph!" may pananabik na tawag ni Don Raphael. Tumayo at nagyakap ang mag-ama. "How's your trip iho?" "So tired Dad" matipid na sagot ng anak. "Ok iho magpahinga ka muna at sabay na tayo kumain ng lunch later" wika ni Don Raphael. "Ok Dad I'll go ahead" pagpapaalam ni Ralph. Lumabas na ng silid aklatan at tinungo ang kanyang silid. Pagpasok sa silid, nahiga sa kama si Ralph at mababakas sa kanya ang kalungkutan habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng silid. ___________ Cassandra POV Akala ko pa naman mabait siya at may makakalaro ako, yun pala malaki na siya mukang ayaw na niya ng toys. Parang kapatid lang siya ni Don Rapahel at ang sungit sungit naman niya at ang hirap nia intindihin dahil sa kanyang pananalita na mabilis. Sayang naman itong ginawa kong kwintas di pala niya magugustuhan. Napakasungit niya! Sabi ni nanay pagod lang daw kaya ako nasigawan. Sayang itong mga bulaklak ko lalagay ko nalang sa mga garapon ko. Naglakad patungo sa bahay si Cassandra. ________ Ralph POV Walang pinagbago ang mansyon na ito kung san ako lumaki. Tama kaya ang desisyon ko na umuwi at dito mag stay hangang ngayong naguguluhan padin ako. Ngunit kailangan ko ng harapin ang nakatakda para sakin, ang pumalit sa pagpapatakbo ng kumpanya ni Daddy. Ilang araw ko din pinagisipan ang paguwi ko dito sa mansyon. Sino kaya yung batang sumalubong sakin wala nababangit si Daddy na may batang nakatira dito sa mansyon. Limang taon lang ako nawala at nagpunta sa lola at lolo ko para magstay sa America. Nagulat ako kanina kung sino ang batang sumalubong sakin. May kakaiba akong nakita sa kanya na parang pamilyar sakin. Hindi ko maitatangi na may angkin siyang ganda pero sa pagpapakilala niya mukang anak sya ng isa sa mga kasambahay dito sa mansyon. Kaya imbes na kunin ang bulaklak na mukang sya pa may gawa diko na kinuha. Halatang musmos pa ang bata at nagawa niya pa gumawa ng kwintas na yari sa bulaklak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD