Ang Paghahanda

971 Words
Sa Mansyon.. Habang ang lahat ng kawani ng mansyon ay nakatayo at naghihintay sa pagdating ng kanilang amo. Sa kadahilanan na nagpatawag si Don Raphael ng pagpupulong upang paghandaan ang nalalapit na pagdating ng kanyang nagiisang anak. Matagal tagal nadin di nya nakasama ang kanyang nagiisang anak. "Tumahimik kayo lahat at pababa na si Don Raphael maguumpisa na ang pagpupulong" wika ni Manang Elen. Di nagtagal sabay-sabay na nag angatan ng tingin dahil pababa na si Don Raphel. Lahat ay may paghangang mababakas sa kanilang mga mata. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa taglay nitong kakisigan at mababakas ang ma awtoridad nitong tindig sa kabila ng taglay nitong mapupungay na mga mata at may kataasan na ilong na binagayan ng mapupulang labi.. Ehem ehem pukaw na atensyon ni Manang Elen sa mga kasamahan. Ang mga kababaihan sa mansyon na tulalang nakatitig sa Don dahil sa malimit nitong pakikisalamuha sa mga kasambahay kaya ang lahat ay napapatig sa maamo nitong mukha na may paghanga. "Magandang umaga po Don Rapahel! Sabay-sabay na bati ng mga kasambahay. Ngunit mapapansin na nakatutok ang paningin sa isang tao na nakatayo sa sulok. Batid ni Martha na sa kanya nakatuon ang paningin ni Don Raphel kaya kusa itong yumuko. "Magandang umaga sainyo lahat!" pasimula ni Don Raphael. "Pinatawag ko kayong lahat upang ibalita sa inyo ang nalalapit na paguwi ng nagiisa kong anak na si Ralph. Nais ko bigyan sya ng munting salo-salo. At upang ang kanyang magiging silid ay maihanda, maari kayo magtanong kay Manang Elen ng mga bagay bagay dahil alam nya ang gusto ng aking anak lalo na sa magiging silid nito. "Makakabalik na kayo sa kanya kanya nyo mga gawain" pagtatapos ni Don Raphael. Kanya kanya ng nag-alisan ang mga kawani ng mansyon at tumalikod na ang Don. Habang sinusundan sya ng tingin ni Martha ay bigla sa di inaasahan, lumingon si Don Raphael at nag tama ang kanilang paningin. Sa gulat ni Martha, lalo ng mapangiti si Don Raphael, nahuli ang kanyang pagsunod ng tingin. Dali dali pagtalikod at malalaking hakbang na tinungo ni Martha ang pintuan palabas ng mansyon papunta sa kanilang bahay. __________ Don Rapahel POV Habang pababa ako kitang kita ko si Martha na nakatayo sa gilid at katabi ang kanilang hardinero at nakita ko na nagbubulungan sila. Di ko mawari bakit naiinis ako isipin kung anu ang kanilang pinaguusapan. Matagal nadin samin namamasukan ang hardinero at di maiiaalis na may itsura ito at di nalalayo sa edad ni Martha kaya mas lalong kinadagdag ko ito ng inis. Nakababa nako pero di padin nag tataas ng tingin si Martha o sadyang mas interesado sya sa pakikipagusap sa lalaking ito kaya diko maiwasan na mainis. Ngunit nahuli ko sya nakasunod ng tingin sakin. Ngumiti ako ngunit dalidali sya umalis. Tama ba tong nararamdaman ko?tanong ko sa aking sarili. _________ Martha POV "Diko maalis sa aking isipan ang ngiting binigay sakin ni Don Raphel at ayaw ko sya tawagin na Don pagkami lang dalawa. Natatakot ako baka mahulog ako at kung san humantong ang nararamdaman ko at ang atensyon na binibigay niya lalo na sa aking anak na si Cassandra. Malaki ang utang na loob ko sa pagpapatira nya samin ng aking anak at may sapat na kinakain sa araw araw. "Teka nasan naba si Cassandra" bulong ko na nawala sa isip ko. Anak! Cassandra!!! San naman kaya lumusot tong anak ko? Habang naglalakad sa likod ng mansyon may napansin ako na nakahiga sa damuhan at napatakbo ako. Cassandra! Inay! "Kaw talagang bata ka! Nakatulog ka! "Sorry po 'nay" wika ni Cassandra sabay yakap sakin kaya napangiti nadin ako. Napakalambing ng aking anak at katulad ng dati kong ginagawa pinugpog ko ng halik sa leeg ang aking anak. Napuno ng tawanan ng mag-ina ang paligid. Sa di kalayuan, nakangiti ang pares ng mga mata habang pinapanuod ang kaganapan sa mag-ina. Abala ang mansyon sa pagaayos at paghahanda sa nalalapit na pag dating ng nagiisang anak ni Don Raphael. Martha! tawag ni Manang Elen. "Po?" sagot ni Martha. "Halika iha, pakitulungan nga ako dito at paki akyat etong mga kurtina na ipapalit sa silid ni Ralph at kung ok lang ikaw na nga din ang mag palit" utos ni Manang Elen. "Sige po" sabay kuha ng mga kurtina. "Salamat iha" wika ni Manang Elen. Tumalikod na si Martha bitbit ang mga dala dalahin paakyat at habang naglalakad, napadaan sya sa silid aklatan na parang may kung anu na biglang napahinto sa tapat ng pinto na nakabukas ng bahagya. "Yes I'll be there in a minute, OK Bye!" naulinigan ni Martha na mukang may kausap si Don Raphael sa malambing na tinig na tila kasintahan nya at may kung anong kirot ang kanyang naramdaman. "Anu naman ngayon kung may kasintahan, di naman malayo na mayroon kasintahan ito sa kagwapuhan taglay ni Don Raphael" bulong ko sa sarili.. Patalikod na si Martha ng biglang bumukas ang pintuan at sa gulat ay nabitawan niya ang mga bitbit na kurtina. Nanginginig sa gulat si Martha sa di inaasahan na pagbukas ng pintuan. "Don Raphael?" nanginginig na usal ni Martha. "Martha? kanina kapa dyan?" tanong ni Don Raphael. "Ah.. kadarating ko lang po at napadaan lang po. Papunta po ako sa silid ni senyorito Ralph" wika ni Martha na may panginginig. Sabay silang napayuko upang pulutin ang mga nahulog. "Ako napo" wika ni Martha. "Ah Martha may gusto sana akong sabihin" bulong ni Don Raphael Langhap na langhap ang mabangong amoy ng hininga ni Don Raphael na tumatama sa pisngi na lalong nagpakaba sa aking nararamdam. "Mauuna napo ako" nagpanggap ako na walang narinig. "Ah sige" sagot ni Don Raphael. Sinundan ng tingin ni Don Raphael habang papalayo si Martha na blanko ang mga mata at di maarok kung anu nasasaloob. ❤❤❤ *Please follow me to receive updates about this story. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD