Martha!
Martha!
"Huy! anu ba yan kaaga-aga tulala ka. Ano nanaman iniisip mo?!"
"Ikaw pala Alfred, wala naman nagaalala lang ako kay Ate kasi lage ko sya nakikita na malungkot at nagiisip ng malalim na parang laging malayo ang iniisip naawa lang ako sa kanya.."
"Bakit hindi mo kausapin para malaman mu dahilan ng kinalulungkot nya? wika ni Alfred.
"Naawa ako sa kanya, lage niya sinasabi na pagod lang siya sa trabaho. Wala naman ako maitulong dahil ngaun nagaaral pa ako. Sya tumayong mga magulang ko mula ng maulila kami at sya na lahat ang umako sa resposibilidad na naiwan ng mga magulang ko kaya wala na sya panahon para sa sarili.."
"Wag kana malungkot at makakabawi ka din pag nakatapos ka na ng pagaaral mo. Handa ako maghintay, alam mo naman na ganun kita ka-mahal" wika ni Alfred.
"Wag mo nga ako binobola at wala pa sa isip ko ang mga bagay na yan kaya timigil ka! Mauna na ako, wag kana sumabay sakin kung ganyan na niloloko mo ko" sabay tayo ni Martha at nag simula ng lumakad. Naiwan si Alfred na kakamot kamot sa ulo.
"Di pa ako nagsisimula manligaw mukang wala na na ko pag asa" bulong sa sarili ni Alfred.
Habang naglalakad pauwi si Martha, may natanaw sya na nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay.
Wala naman kami kilala na mayaman na may ganitong sasakyan na sa unang tingin mo pa lang ay mamahalin. At habang papalapit, natanaw ko ang aking nakakatandang kapatid na may kasamang lumabas ng bahay ngunit di ko nakita kung sino hangang sa makasakay na at tuluyan ng umalis.
"Ikaw pala Martha kanina kapa ba dyan? tanong ni Ate Jazmine.
"Ah ah kadarating ko lang Ate"
"Halika na pasok na tayo at ng makakain na tayo Martha. Magbihis kana at ihahanda ko na ang hapunan.
"Sige po Ate" sagot ni Martha habang titig na titig sa kanyang kapatid na abala sa kanyang ginagawa na hindi maarok ang kanyang saloobin..
Martha bakit di kapa kumikilos?malumanay na ungkat ni Jazmine.
"Ah sige po Ate akyat na po ako".
Nakahanda na ang pagkain sa mesa ng bumaba ako at natanaw ko ang aking kapatid na may hawak hawak na baso. Kung mailalarawan ko siya, masasabi ko na maganda ang aking nakakatandang kapatid at taglay nito ang makinis na kutis at magandang hubog ng pangangatawan. Hindi man katangkaran ay may natatangi namang ganda ng mata, tangos ng ilong at manipis na labing hugis puso na namana nito sa kagandahan ng namayapa naming ina na hindi ko makita sa akin. Pero di rin naman ako kapangitan dahil nag tataglay din ako ng magandang pangangatawan at morenang kutis na nakuha ko daw saking ama..
Andyan kana pala Martha! pukaw sakin ni Ate na nakapag pabalik sakin sa pagbabalik tanaw.
Tara na Ate kain napo tayo! yaya ko kay Ate Jazmine.
"Sarap naman nito Ate!" diko mapigilan na paghanga ko sa luto ng aking nakakatandang kapatid.
"Ikaw talaga nambola ka nanaman!" masayang wika ni ate.
"Mukhang may kailangan ka?"
Sabay kami tumawa...
hahahahahahaha
#maraming salamat po sa pagtangkilik ng aking kwento ❤
#abangan po ang mga susunod na kabanata ❤