Cotton candy
Chapter1. Pwede po bang tikman ko to yaya?tanong ng pitong taong gulang na bata sa tagapag-alaga nito.Ay naku hindi pagkaing pangmayaman yan marumi ang mga nabibili dito sa labas.Nalungkot siya sa sinabi nito.Gusto lang naman niyang tikman cotton candy.Nalingat ang yaya niya at nakipagtsismisan sa mga kapwa nagbabantay sa loob ng school nila.Wala siyang nagawa kundi titigan ang cotton candy.Hmmm....nagulat siya ng may mag-abot sa kanya ng gusto niyang cotton candy.Nakangiti ang labing- anim na taong gulang na binatilyo sa kanya.
T-thank you po kuya natutuwang sabi niya sabay abot sa cotton candy.
Ssshhh....!sige na baka makita ka pa ng yaya mo.
D-dito ka po nag-aaral?tanong niya.
Tumango ito.Sige na paalam nito at tinalikuran na siya.
Kuya....!Anong pangalan mo?!sigaw niya rito.
Lumingon ito sa kanya.
Julianne.....
Ako naman si Cameron!kuya!salamat!when I grow up you will be my husband!
Napangiti ang binatilyo sa kalokohan ng bata.
Nice meeting you Cameron...pag laki mo gurang na si kuya.Kuya can't wait for you....
Ah basta!you will be my husband when I grow up.
Hmmm....let's see .Tumalikod na siya ay nagsimulang maglakad patungo sa classroom niya.
Nag-aaral siya sa isang private school na halo ang elementarya at highschool.
Graduating na siya this school year.Scholar siya ni Don Benidicto Villaruel ang pinakamayaman sa kanilang nayon.
Hindi siya lumaking may gintong kutsara sa bibig.Nagbababad sa init ang mga magulang niya para lang mapag-aral sila ng mga ito.
Bilang ganti sa mga ito nag-aaral siyang mabuti at top one sa buong klase as gagraduate siyang valedictorian.Kahit pa pinagtatawanan siya ng mga kaklase dahil sa lumang uniform at pudpod na sapatos ay binabalewala na lang niya ito.
Hindi siya maaring magpaapekto sa mga ito.Kahit ganoon ang kalagayan ay di pa rin maiiwasan ang mga humahanga sa kanyang mga babae.
Matangkad kasi siya sa height na five ten sa edad disisais at talaga namang napakaguwapo niya.
Ang mga magulang niya kasi ay guwapo at maganda rin.Namana tuloy nilang tatlo ang genes ng mga ito kahit sunog na sa araw ang mga balat nila sa maghapong pagbibilad sa tubuhan.
Salat man sa buhay ay nairaraos naman nila ang buong isang araw.Doble kayod ang magulang nila.
Ang ate niya Arriane nila ay napilitang tumigil sa pag-aaral ng kolehiyo at nagtratrabaho bilang casher sa bayan.Rason nito mauna na siya dahil mas matalino siya dito.Pero batid niyang dahilan lang nito iyon dahil nais na nitong tulungan ang mga magulang nila.
Ang bunso nilang si Alena ay nasa unang baitang pa lamang.Medyo malayo ang agwat ng edad nila ng bunso.Halos kasing-edad nito ang batang makulit kanina.
Muli nanaman siyang napangiti ng maalala ang sinabi nito sa kanya.
Pumasok siya sa klase at tulad ng dati diretso siya sa upuan niya.Wala siyang kaibigan maski isa.Pinandidirihan siya dahil sa suot.Batid niya ang nangungutyang titig ng mga ito.Pero hindi naman lahat except ung may mga crush at nagpapada ng loveletters sa kanya.
Dumating ang teacher nila dala-dala ang mga testpapers nila kahapon.Nagtsek ito ng attendance saka ibinigay ang test paper nila. As usual only Mr.Guttierez got the highest score while most of you are failed.
Aaahhh ....mag-aral kasi kayong mabuti. Even your rich you need to pay attentions in your studies.Walang sisihan kung babagsak kayo sa finals.Gayahin niyo si Julianne.
Eskwela at bahay lang hindi puro lakwatsa..Let's start the lecture!
Hi Julianne..?ngumiti siya sa mga babaeng bumati sa kanya.Palabas na siya sa gate ng school.Hayun nanaman ang tatlong ungas na magkakapatid.Ang tatlong anak na lalaki ni Don Benidicto.Sina Azmon,Aranon at Alex.
Maraming kalokohan ang mga ito.Mahilig mambully.Nasa unang taon ng kolehiyo si Azmon sina Aranon at Alex naman ay graduating na rin yon nga lang swerteng hindi niya ito mga kaklase.Ang kuya nila bumabalik dito para maghanap ng mabubully.
May kasama ang mga itong isang babaeng estudyante.Mukhang nagpupumiglas ito sa hawak ni Azmon.Ilag ang mga tao sa tatlong ito.Maging ang mga guro ng paaralan Tanging ang ama lang ang nakakapagpatigil sa mga ito.Mga balasubas at asal hayop.Malayong malayo sa ama nila.Hindi sila napaparusahan dahil puro menor de edad pa.
Hoy Ikaw!lumingon siya sa kinaroroonan ng mga ito.Itinuro niya ang sarili.Sinenyasan siyang lumapit sa mga ito.Patay na sigaw ng isip niya.
B-bakit....?
Aba....ang angas mo ah?!balita ko ikaw ang pinagmamalaki ng babaeng to?!
Huh?p-pero hindi ko siya kilala sagot niya.Sumagot ka pa tarantado!dinuro-duro siya sa ulo at ilang beses tinampal ang mukha.
Ano ba tigilan niyo si Julianne!Wala siyang kasalanan ako ang nagkakagusto sa kanya.Isa pa Hindi niya talaga ako kilala!Azmon!
Tumahimik ka!
Pakawalan niyo siya...huwag kayong manakit ng babae ...
Aba!matapang ka bata!itinulak nito ang babae.Ngayon tignan ko ang tapang mo!Sipa tadyak ang ang natamo niya sa mga ito.
Sa susunod matuto kang lumugar kutong lupa!nagtatawanan ang tatlo at iniwan siyang duguan.He want to fight back pero hindi niya gagawin iniisip niya ang kahihinatnan kung papatol siya sa mga ito.Napaubo siya at pilit tumayo.
Ahhh....putok ang labi at masakit ang katawan niya pambubogbog ng mga ito.Paika-ika siya habang naglalakad palabas.Jullianne!what happen to you?!gulat na tanong ng guro niya.
Mam..I'm ok....ok lang po.
No let's go to the clinic!
Wala na siyang nagawa kundi sumama dito.
Wala ng ginawang mabuti ang tatlong yon .. pang-ilan ka na ba sa mga pinagtripan nila?!
Hindi siya sumagot.
Wala tayong magagawa kilala mo ang ugali ng tatlong yon sabi ng nurse na gumagamot sa mga sugat niya.
Napailing ang guro.Sana lang hindi magmana sa kasamaan ng ugali nila ang babaeng kapatid nila.
Kibit-balikat ang nurse.
Napano ka?!gulat ang ina sa hitsura niya. Nay wala po ito..
Sino ang gumawa sa'yo nito?!sabihin mo!Huminahon ka Arlene saway ng ama.
Tignan mo ang itsura ng anak mo?!paano ako hihinahon?!
Ano bang nangyari?
Yong mga anak po ni Don Benedicto....
Nanlumo ang kanyang ina.Kailangang malaman ito ng Don.
Huwag na po nay....
Pero Julianne!.Tama ang nanay mo anak.Hindi ito palalampasin ng kanilang papa.
Natatakot ako kuya .....huwag kang matakot ayos lang si kuya.
Sige na Julianne magpahinga ka na wika ng ate Arriane niya.Inalalayan siya nitong makatayo at dinala sa kanyang kwarto.
Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!binuggbog niyo at sinaktan ang anak ng isa sa mga trabahador natin?!kailan ba kayo magtitino at titigil sa pagbibigay ng sakit ng ulo sa'kin?!galit na sigaw ng papa niya.Sinisermonan nanaman nito ang tatlong nakatatandang kapatid.
Hindi kayo lalabas ng bahay ng isang linggo at hihingi kayo ng tawad sa anak ni Zeenan!Naiintindihan niyo ba?!
Opo papa!sabay-sabay na sagot ng mga ito.Hindi na lingid sa kanya ang gawain ng mga ito.Maging siya ay takot at ilag sa mga ito.Kahit pa prinsesa ang turing ng mga ito sa kanya.Agad siyang tumakbo sa kanyang silid ng lumabas ang mga ito.
Lagot sakin ang Julianne na yon oras na makalabas ako.Anong plano mo kuya?dating gawi!