Chapter 3. Nine years later, Nakalimutan na niya ang nakaraan at hinaharap na ang panibagong yugto ng kanyang buhay.
He is now a successfull surgeon.Pilit niyang kinalimutan ang masakit at mapait na alaalang yon ng kanyang kabataan.Ang tatlong lumapastangan sa kanya ay nakalaya na at hanggang sa ngayon ay parang mas lalong lumala.
Hawak na ng mga ito ang buong bayan.Ang kanilang ama na si Don Benedicto ay mahina na at nagkasakit sa di-malamang dahilan.Dahil sa konsensiya at awa ay sinagot nito lahat ng tuition niya sa college maging ang pagpapagaling niya noon.
Naroon pa rin sa kanyang katawan ang mga pilat ng kahapon.Pero dahil sa tulong ng sensiya ay unti-unting naglaho ang mga iyon.
Hindi siya ang tipong nagtatanim ng galit sa isang tao.Pinalaki sila ng mga mga magulang sa mabuting paraan.
He is now Dr.Julianne Castro Gutierrez.A handsome bachelor in town nakinahuhumalingan ng mga kababaihan.
Walang seryosong relasyon.
Seems he's waiting for someone he didn't know.
Kumusta ka na ngayon ...maybe your a grown up and turn into a beautiful woman he whispered while staring at the glass wall of his office.
Doc...excuse me the next operation will proceed...nilingon niya ang assistant sa likod.
Susunod na ako sagot niya at kinuha ang puting coat sa upuan saka lumabas.Tinungo niya ang operating room kung saan gagawin niya ang isang heart transplant.
Forcep straight please sabi niya.Agad itong inabot sa kanya.Maingat at mabusisi ang kanyang mga kamay habang isinasagawa ang operasyon. Tumagal ng dalawang oras ang operasyon bago ito successfull na natapos.
Lumabas siya ng operating room.She's safe now and then operation is successfull.Thank you doc pasasalamat ng mga magulang ng magandang babaeng yon.
Welcome he said .Napag-alaman niyang ang asawa ng babae ay agaw-buhay din sa kabilang silid.
He was amazed by their love for each other.The guy tried to kill himself to offer his own heart to his wife....but before he do that the other patient in room 26 a girl with leukemia dies and donate her organs to the hospital.
Sa kasamaang palad ay naaksidente ang lalaki at ngayon nga ay agaw-buhay.
He wish things will work for the two of them soon.
Pagod siyang umupo at isinandal ang ulo sa couch.He close his eyes for a while.Kulang na kulang siya sa pahinga at hectic ang schedules niya.
Bihira na rin siyang makauwi sa kanila sa bayan ng Sta Monica.Nagkakasya na lang ang mga magulang sa pagtawag sa kanya ng madalas.
Pinagpahinga na niya ang mga ito sa pagtratrabaho tutal stable na siya ganoon din ang ate niya.
Si Alena na lang ang nag-aaral ng nursing at nasa unang taon pa lang ito. Kung minsan ay lumuluwas ang mga ito para dalawin siya.Medyo nakakaluwag-luwag na rin sila sa buhay salamat sa pagod at sakripisyo ng mga magulang.
Now it's his turn to help them and give them a better life.
Nais na niyang paluwasin ang mga magulang dahil sa mga kaguluhang nangyayari sa kanilang bayan.Natatakot siyang mapahamak ang mga ito subalit tumanggi ang mga ito at sinabing doon na sila mamamatay at ililibing.
Dahil sa pagod ay nakatulog siya sa couch ng hindi niya namalayan.
A-anong kailangan mo Azmon?!tanong ni Arriane habang nakatingin sa nakahintong sasakyan.Ang lalaking ito ang sumalbahe sa kapatid niya ilang taon na ang nakararaan.Ang batas at Diyos sa kanilang bayan.Kinatatakutan ang tatlong ito dahil sa marahas na pamumuno at pananakot sa buong bayan.Dahil sa pera kaya maagang nalabas ang mga ito sa kulungan.Buhat ng magkasakit ang ama nilang si DonBenedicto.
At ang lalaking ito may lakas pa ng loob na magsabi ng nararamdaman sa kanya.
Sakay na ihahatid na kita sa inyo.
H-hindi na sasakay na lang ako ng tricycle salamat na lang sagot niya at mabilis tinungo ang paradahan.
Bumaba ito ng kotse at sinundan siya.
Ano ba?!piksi niya sa kamay nito.
Bakit ba ang hirap mong mapaamo ha?! Buong tapang niya itong hinarap.
Dahil ayoko sa'yo!mahirap bang initindihin yon?!Ayokong mapabilang sa mga babae mo!?Isa pa sa tuwing nakikita kita naaalala ko ang itsura ng kapatid ko!naaalala ko ang kahayupang ginawa mo sa kanya!
Matagal na panahon na yon Arriane!Hanggang ngayon ba naman di mo pa rin nakakalimutan?Isa pa pinagdusahan na namin yon sa kulungan!
Pwes ako hindi!Pwede ba Azmon tigilan mo na ako!
Baka nakakalimutan mo ako na ang bagong mayor ng bayang to at lahat ng nasasakupan ko ay pag-aari ko!mapapasaakin ka din tandaan mo yan!sabi nito at mabilis na umalis.
Nakahinga siya ng malalim.Kinalma ang sarili bago umuwi sa kanila.Maganda siya at marami ang humahanga ngunit dahil sa batid ng nakararami na gusto siya ni Azmon ay walang nangahas manligaw sa kanya.Isa na siya ngayong guro sa kanilang bayan.
Sinagot lahat ni Don Benedicto ang pag-aaral nilang dalawa ni Julianne. Marahil tama ang kapatid niya kailangan na nilang umalis sa bayang ito na punong-puno ng karahasan at pananakot sa mga magkakapatid na lalaking Villaruel.
Ang anak na babae nito ay nasa ibang bansa at doon nag-aaral ng kolehiyo.Umuuwi lang tuwing bakasyon.
Hindi pa niya nasisilayan ang anak na babae.Huling kita niya dito ay noong pitong taong-gulang palang ito.
Mabilis siyang nakarating sa kanila.
O nariyan ka na...halika na at kakain na tayo sabi ng nanay niya habang naghahanda ito at si Alena.
Nay....O bakit?tanong nito.
Kasi...tama si Julianne....kailangan na nating umalis dito...natatakot ako nay para sa kaligtasan natin...Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito na gusto siya ni Azmon.
Sige pag-uusapan namin yan ng tatay niyo sagot nito.Alena tawagin mo na ang tatay mo at kakain na tayo sabi ng nanay nila.
Agad namang tumalima ang kapatid.
Mukhang nahihirapan kang palambutin ang puso ni Arriane ah kuya nakangising tanong ni Aranon.
Shut up!
Kung gusto mo siyang tikman magagawa mo naman, sabad ni Alex.
Huwag kayong mag-alala darating ang araw na yon...Hihintayin ko lang at itataon na narito ang Julianne na yon .
Para sabay-sabay na mabura ang buong pamilya ng mga Guttierez sabi niya.
Wala naman siyang balak na seryosohin ang anak ng dati nilang trabahador lang.Gusto lang talaga niya ng thrill kaya nagkakandarapa siya sa panunuyo kay Arriane.
Isa pa may iba siyang gusto.Ang ampon ng kanilang ama.Ang napakaganda at nakakabighaning si Cameron.Ang bunso nilang kapatid.Inalagaan niya ito at pinakaingatan dahil mayroon siyang binabalak.
Ito ang babaeng para sa kanya.At handa siyang maghintay kahit gaano katagal hanggang sa mahinog ito at maging ganap na dalaga.