Kabanata 24: Dark Sharon’s POV NASA LOOB siya ng palikuran dahil sobrang nag-aalburoto ang kaniyang tiyan. Malakas ang ulan sa labas at nagngangalit din ang hangin at kasabay ‘non ay ang pakikipagbuno niya sa paglabas ng sama ng loob na mayro’n siya. Napanguso siya habang nakaupo sa kaniyang trono habang iniisip ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Pancho. Medyo mabilis ang lahat pero wala naman siyang tutol do’n basta’t may nararamdaman sila sa isa’t-isa at masaya silang dalawa. Napangiti siya at napahawak sa kaniyang magkabilang pisngi nang naalala niya ang unang halik niya rito, ang unang yakap at pagiging maalaga, ang unang pagkakataon na protektahan siya nito mula sa mga pilit na isinasadlak siya sa lupa at ang unang pagkakataon na maging masaya siya kasama ito kahit saan man s

