Kabanata 23: Daydreaming Sharon’s POV TAKIP-SILIM nang natapos silang maglaba ni Pancho sa batis at hindi mabura ang ngiti sa kaniyang labi. Nagpaalam pa sila ni Estella sa isa’t-isa at nangako silang magkikita muli. Napakasaya na magkaroon ng kaibigang katulad nila na hindi mapanghusga at napakabuti. Sinabi niya sa kanila na mga albularya silang dalawa ng kaniya ng Lola Lusing na lubos na ikinamangha ng dalawa. “Masaya ka ba nakakilala ka ngayong ng isang bagong kaibigan do’n sa batis?” tanong nito habang naglalakad silang dalawa at nakangiting tumango naman siya at biglang kumidlat. “Oo, napakabait ni Estella at natutuwa akong nagkakilala kaming dalawa. Sana’y magkita kaming muli,” sagot niya. Inalalayan naman siya nito sa paglalakad dahil nasa matatarik silang mga bato at parang wal

