Kabanata 22: Love Sharon’s POV INILIHIM niya kina Lola Lusing at Pancho na narinig niya ang kanilang pinag-usapan. Pansin na pansin niya rin ang laging pagdidikit sa kaniya ni Pancho at sinasamahan talaga siya kung saan man siya magpunta. Kasalukuyan siyang nagbubungkal ng lupa sa bakuran para magtanim ng mga magagandang halaman na bulaklakin kagaya ng orchids at rosas na ibinigay ng isang nagpagamot kay Lola Lusing habang si Pancho nama’y nanguha ng mga kahoy na gagawing panggatong sa pagluluto. Hubad baro ito habang nagsisibak at kitang-kita niya ang malaking dragon nitong tattoo sa kanang dibdib at aabot ang buntot ‘non sa tagiliran. Tagaktak ang pawis nito habang hawak-hawak ang palakol at wala sa sariling napalunok siya ng kaniyang laway. “Ang lakas-lakas talaga ni Pancho at paran

