Kabanata 21: Protect Sharon’s POV NANG nakarating silang dalawa sa kubol ay abot-langit ang kaniyang takot na nararamdaman dahil baka makita ng kaniyang Lola Lusing ang itsura niya. Kalat na kalat din sa kaniya ang amoy na alak at medyo naiilang nga siya dahil napagtiyagaan siyang dikitan ni Pancho at ayaw siyang layuan habang naglalakad. Binuksan ni Pancho ang pintuan at nakita niya ang kaniyang Lola Lusing na nagdidikdik ng mga herbal na gamot. “Oh, ginabi na kayong dalawa. Mukhang masaya ang inyong pinuntahan at nakalimutan na ninyo ang oras. Apo, paniguradong nagaーSus, Ginoo!” Hindi na naituloy ni Lola Lusing ang kaniyang dapat na sasabihin nang lumingon sa kaniya at tipid siyang ngumiti. Mabilis nitong binitawan ang pandikdik at nilapitan siya para hawakan ang kaniyang mukha ngun

