Kabanata 20: Spotlight Sharon’s POV HINDI niya alam kung paano silang nakarating nang hindi siya kinikilig habang magkasabay silang naglalakad. May pagkakataon pa ngang ipinapatong nito ang palad sa kaniyang ulo para raw hindi siya mainitan o hindi kaya’y ipinagpapalit nito ang kanilang pwesto. Ingat na ingat ito sa kaniya at syempre sa simpleng galawan nito’y sobrang tuwa ang nag-uupaw sa kaniyang puso. Nang nakarating sila sa tahanan ni Amanda ay namangha siya dahil hindi niya inakalang napaka-engrade lalo na’t may mga malalakas na tugtog siyang naririnig at mayro’n din mga makukulay na lobo sa entrada ng kanilang bakuran habang labas-masok ang mga bisita. Pumasok na silang dalawa at napakagat siya sa kaniyang labi nang narinig niya ang mga samu’t-saring bulungan ng mga bisita. “Aba!

