Kabanata 19: Stare Sharon’s POV KINABUKASAN, maaga siyang nagising at naabutan niya sina Lola Lusing at Pancho na nagkukwentuhan habang nasa hapag-kainan. “Aba! Mukhang masarap ang tulog mo, Apo? Tinanghali ka na ng bangon at kami na ni Pancho ang naghanda ng almusal natin. Nakakatuwa talaga itong lalaki ito dahil napalakas ng katawan at mukhang umepekto ng tama ang mga herbal na gamot na ipinapainom natin sa kaniya,” bulalas ni Lola Lusing na ikinatango niya. “Mabuti naman po, Lola. Mamaya po pala ay dadalo po kami sa kaarawan ni Amanda,” aniya. “Hmm. . . Medyo hindi ko gusto ang araw ng babaeng ‘yon pero kung ‘yang desisyon mo’y wala naman akong magagawa lalo na’t minsan ka lang naman naimbitahan.” Lumingon ito kay Pancho. “Ikaw na ang bahala sa apo ko, ah?” Nakangiting tumango n

