Kabanata 64: Awaken Sharon’s POV MULI siyang dumalaw sa hospital dahil gusto niyang alagaan ito. Tinawagan siya ni Kuya Onyx na umalis daw si Chantal kaya’t magandang pagkakataon ‘yon na pumunta siya ro’n dahil walang sagabal. May dala rin siyang pasalubong dito na gawa ni Kier na isang porselas na gawa sa mga makakapal na makukulay na lubid at may pangalan na nakalagay sa gitna gamit ang makinis na batong itim na Tatay. Sobrang touched siya sa ginawa ng kaniyang anak at lagi nilang sinasabi sa kaniya na sa susunod ay isasama na raw niya silang dalawang magkapatid para raw mabigyan nila ng halik ito para gumising. Nakita niyang nakasandal sa gilid ng pintuan ng silid ni Pavian si Kuya Onyx at nang naramdaman nito ang kaniyang presensiya ay agad itong umayos ng tayo. “Pumasok ka na,

