Kabanata 65: Twins Sharon’s POV HINDI na makapagpigil pa ang kambal at sumama na sa kaniya kinabukasan para bisitahin si Pavian. Tuwang-tuwa rin si Kier nang sabihan niyang nagising na ito at nagustuhan din ang regalong porselas. “Nanay, maganda at sexy na po ba ‘ko?” pang-ilang ulit na tanong ni Kier habang nakanguso pa. Natatawa naman niyang hinimas ang buhok nito. “Oo naman, paniguradong matutuwa ang Tatay mo oras na makita ka. Sana nga’y gumaling na siya para makalabas na rin sa hospital para makasama natin siya,” sagot niya at tumango naman ito. “Ay! Dala ko po mga panghilot, Nanay. Hihilutin ko po si Tatay para gumaling na po siya agad.” Napangiti naman siya sa sinabi ng kaniyang anak at saka pinatakan ng halik ang noo nito na ikinahagikhik nito. Napabaling naman siya kay Ki

