Kabanata 47: Party Sharon’s POV WALA namang tutol si Pancho nang sabihin niya ritong magpapahinga ng ilang mga araw. Masaya nilang sinulit ‘yon at syempre inalagaan niya ito. Hindi niya pinababayaan ito dahil ayaw niyang maulit ang nangyari rito. Nang sumapit ang araw na sinabi sa kaniya ni Boss Mindo na kailangan nilang pumunta ay niyaya niya ang kaniyang Lola Lusing para sumama. Ngunit sumama naman ang pakiramdam nito. “Lola, sigurado po ba kayong ayos lang na iwanan namin kayong mag-isa? Puwede naman pong magpaiwan na lang ako,” aniya at agad naman itong umiling. “Malakas pa ‘ko sa kabayo at kayang-kaya ko pang mag-bayle at saka ayaw ko naman masapawan ang ganda mo ro’n at makaagaw pa ng atensyon ang kagandahan ko kaya’t dito na lang ako at makikinig ng awiting romantiko,” sambit

