Kabanata 46: Truth Slaps Sharon’s POV NATUOD naman siya sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin dito. Inirapan siya nito at saka dinuro. “Ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ka puwede rito at baka nagnanakaw ka lang. Naiinis talaga ‘ko kapag nakikita ko ang pagmumukha mo dahil malas ka,” mapang-uyam na turan nito. “Oh, I think you need help. Come here, Bitch.” “Aray!” Napaigik siya sa sakit nang haklitin nito ang kaniyang braso at saka siya padaskol na hinatak pakaladkad. Muntik pa siyang natalisod. “What’s happening– Ano’ng ginagawa mo sa kaniya, Chantal? Bitawan mo si Sharon!” sigaw ni Boss Mindo. Agad namang lumapit sa kanila si Estella at tinanggal ang kamay nito sa kaniya at saka tinulak ito. Niyakap siya ng kaniyang kaibigan. “Ang kapal naman ng mukha mo na saktan si Ate Sha. B

