Kabanata 45: Bitch Sharon’s POV NAGLUTO siya ng Arroz Caldo para kay Pancho para naman makabawi ng lakas na nilagyan niya ng Nilagang Itlog. Pinahintulutan na rin siya ng kaniyang Lola Lusing na puntahan ito. Nakita niya itong nakaupo na ngayon. “Pancho. . .” pagtawag niya at lumingon ito sa kaniya at nginitian niya ito. Naupo siya sa tabi nito at ibinaba ang hawak na mangkok sa gilid na mesa. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo ‘ko ng sobra kanina.” Napabuntonghininga naman ito. “I’m so sorry. Siguro dala na rin ng pagod at init kaya’t nahilo ako dagdagan na rin nang pinag-usapan namin ni Boss Mindo.” Tumango naman siya. “Kumain ka na muna para makabawi ka ng lakas. Susubuan na lang kita, ah?” Ngumiti naman ito. “Sige, salamat.” Agad naman itong lumingkis na parang bata sa

