Kabanata 49 ✓

1745 Words

Kabanata 49: Stalker Sharon’s POV NITONG mga nakalipas na araw ay tila may kakaiba siyang nararamdaman. Pakiramdam niya’y may nagmamanman sa kanilang kubol o guni-guni niya lang. “Apo, kumain na rito. Ano ba’ng sinisilip-silip mo r’yan sa labas ng bintana? Nandito sa loob ng kubol ang maganda at nasa harapan mo pa nga,” pagtawag pansin sa kaniya ni Lola Lusing na may dala-dalang maliit na bilao na may may Palitaw na may mga nakabudbod na mga asukal at linga.  Natawa naman siya at umiling-iling. Wala lang siguro ‘yon at baka guni-guni lang niya.  “Kumakain na po ba si Estella?” tanong niya at sumunod na rin dito para makaupo sa silya sa tapat ng hapag-kainan.  “Naku! Oo naman, nasarapan siya sa ginawa nating Palitaw,” natatawang sagot nito. “Lagi naman po ‘kong nasasarapan sa luto ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD