Kabanata 67: Meet Again Sharon’s POV KINABUKASAN habang umalis sina Tita Nina at Pavian kasama si Kuya Onyx ay naiwan silang apat ng kaniyang Papa Rockins at ng kambal dahil may pupuntahan din daw sila. “Lolo, saan po tayo pupunta?” tanong ni Kier habang nakasuot ng Strawberry Floral Crop Top Dress na katerno rin ng sa kaniya at parehas nilang pinaresan ‘yon ng brown boots. Si Kiel nama’y nakasuot ng white polo with gradient red design na pinaresan ng brown pants at white sneakers samantalang si Papa Rockins ay nakasuot ng dark blue long sleeve polo at brown pants na pinaresan ng dark blue combat boots. “Secret, Apo. Basta’t matutuwa ang Nanay mo,” misteryosong sagot ng kaniyang Papa Rockins. It suddenly excites her like a little kid waiting for her present. “Aw! Daya niyo naman p

