Kabanata 68: Heal the Breach Pavian’s POV MAGKASAMA silang nagtungo sa isang pasilidad kung nasaan kasalukuyang nagpapagaling si Boss Mindo na hindi niya inakalang ama niya kung makokompirma sa DNA Test pero sa pudo niya’y may kakaiba siyang nararamdaman lalong-lalo na sa katabi niya na nakahawak sa kaniyang kamay na nagpakilalang ina niya na si Nina Hermosa. Minamaneho ni Onyx ang sasakyan habang may mga kasama silang tauhan din ng kaniyang ina. Medyo nahihiwagan pa rin siya rito lalo na’t napakaraming nagbabantay dito. “Kahit wala pa ang resulta ng DNA Test ay malakas ang kutob ko na ikaw si Nindox, ang bunso ko. Paniguradong matutuwa si Mindo oras na makita niya tayong magkasama,” pagkukwento nito sa kaniya. Hanggang ngayon lutang na lutang pa rin siya at hindi niya inakalang nag

