Kabanata 30: Hungry Sharon’s POV MAGANA siyang kumain habang kasalo si Pancho. Parehas silang nakakamay lang habang kumakain at natutuwa pa nga siya na hinihimayan pa siya nito ng isda at sinasandukan ng kanin at ulam kapag nauubos niya. Kulang na nga lang ay subuan siya nito sa sobrang pagkatutok ng atensyon nito sa kaniya. “Pancho, kumain ka na rin nang maayos,” aniya at ngumiti naman ito at natatawa siya sa paraan nang pagkakamay nito at parang babaluktot ang daliri nito sa pagkain at halatang hindi sanay pero laging sinusubukan. Habang kumakain ito’y may mumu pa ng butil ng kanin sa bibig nito o hindi kaya’y kumalat ang katas ng gata sa labi nito. Pinupunasan niya ito gamit ang kaniyang kamay. “Napakakalat mo namang kumain at para kang baby.” Napanguso naman ito at mas lalo siyan

