Kabanata 31: Smile Sharon's POV PAGKALIPAS ng isang linggo’y muling bumalik si Lola Lusing sa kubol at syempre hindi sila tinantanan ng mga pang-aasar. Marami rin itong mga bitbit na pasalubong at ang iba’y mukhang mamahalin. “Ang dami niyo naman pong dala, Lola. Masyado naman po atang galante ang pinuntahan niyo sa kabilang baryo,” aniya at sumubo ng Spaghetti na maraming ginadgad na keso. Dala rin ito ni Lola Lusing at niluto nito ‘yon at sobrang sarap. Ayaw na nga niyang tumigil sa kakakain. Tumawa lang si Lola Lusing. “Naku! Kumain ka na lang, Apo. Miss na miss na kita pero parang hindi mo naman ata ako namiss. Porket may kasama at kayakap ka na’y nakalimutan mo na kung saan nagmana ang kagandahan at alindog mo.” Namula naman ang kaniyang mukha dahil do’n. “Lola naman!” nahihiya

