Kabanata 32: Accept Sharon’s POV “ABA! Puwedeng-puwede siya pumunta rito, Apo. Kahit ano’ng oras pa ang kaniyang nanaisin na magpalipas ng oras dito. Ang hirap pa naman na maiwan nang mag-isa sa kubol lalo na’t nagtatrabaho ang kaniyang kabiyak. Naalala ko tuloy ang mga panahon naming dalawa ng lolo mo,” sambit ni Lola Lusing habang naghahapunan sila. Ginabi na rin silang nakauwi ni Pancho lalo na’t napasarap ang kwentuhan nila ni Estella kahit pilit niyang kinalilimutan ang tungkol sa batis at bra na usapin. “Salamat po, Lola. Gustong-gusto ko rin po na makilala niyo siya at paniguradong madali niyo siyang makikipagpalagayan ng loob,” aniya na ikinangiti naman nito. “Masaya ako at may kaibigan ka na, Apo.” Tumango-tango naman siya at humigop ng sabaw mula sa kinakain nilang Sinigang

