Kabanata 59: Bonding Pavian’s POV PAGKATAPOS ng event ay napag-usapan nilang dalawa ni Sharon na bumalik ito next week dahil day-off ng Occisor. Umuwi rin ito agad at nagpaalam sa kaniya. Pansin din niya na parang wala sa sarili si Chantal kaya’t hinayaan na lang niya. “Daddy, I like the lady in white at the party. I want to be like her when I grow up,” bulalas ni Avia at padarang na ibinaba ni Chantal ang kaniyang kutsara at tinidor. “Stop talking nonsense, Avia. Finish your food, and you will have a lesson with your tutor,” istriktang turan ni Chantal na nagpawala ng sigla sa kanilang anak, “Chantal,” tawag niya at napatingin sa kaniya ito at nagtiim-bagang. “What? Ano na namang mali ‘ko? Ayaw kong mawala sa landas ang anak ko kaya’t huwag mo ‘kong pipigilan,” asik nito. Napa

